Binalaan ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia ang mga Pinoy na iwasan ang pagpo-post ng mga sexy o revealing pictures sa social media lalong lalo na ang facebook.
Ipinaliwanag ng embahada na nakatanggap sila ng mga comment sa email kaugnay sa mga picture na in-upload ng isang Filipino organization ng mga female model na nakabase sa ksa na nakasuot ng mga transparent na night gown.
Nagbabala din ang embahada sa posibleng gawing aksiyon ng mga awtoridad sa Saudi lalo pa at nagresulta ito sa pagrereklamo ng ilang mamamayan ng Saudi.