Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home Programs Weekday Programs Lalaki, inilapit ang sitwasyon ng kanyang kapatid sa Dubai

Lalaki, inilapit ang sitwasyon ng kanyang kapatid sa Dubai

AM_LOGO_MANILADUMULOG sa programa si Jose mula sa Tandang Sora, Quezon City para ilapit ang sitwasyon ng kanyang kapatid na OFW sa Dubai.

Ayon kay Jose, nagkaproblema sa Dubai ang kanyang kapatid na si Catherine Arojo kaya nagpagawa ito ng bagong passport gamit ang ibang pangalan.

Nais ni Jose na maitama ang pagkakamaling nagawa ng kanyang kapatid kaya naisip niyang lumapit sa Bantay OFW.

Bilang tugon ng programa, ipinaliwanag kay Jose ang mga nalabag ng kanyang kapatid sa ginawang paggamit ng ibang pangalan sa kanyang passport.

Pinayuhan din na komunsulta sa abogado kung kailangan dumaan sa korte at kailangan aminin ang ginawa para maayos ang records niya.