Lumapit sa Radyo Mo Nationwide si Mary Jane ng Pasay City upang isangguni ang tungkol sa kanyang salary deduction.
Ayon kay Mary Jane, nais nitong malaman kung totoo ngang isang buwan lamang ang dapat maging salary deduction ng mga domestic helper at hindi anim na buwan.
Kwento pa ni Mary Jane, sa pamamagitan ng kanyang kapit-bahay ay ipinakilala siya sa isang employer sa Singapore.
Ngunit dahil sa nahirapan ang employer na hanapan si Mary Jane ng panibagong amo, kaya’t napilitan na itong lumapit sa isang agency sa nasabing bansa.
Nakipag-ugnayan naman ang programang Radyo Mo Nationwide kay Philippine Overseas Employment Administration Deputy Administrator Stella Banawis at kinumpirma nitong hindi tama na katumbas ng anim na buwan ang kabayaran sa placement fee ng isang domestic helper.
Iginiit nito na nakasaad sa batas na hindi dapat ipataw sa mga manggagawa ang nasabing kabayaran.
Kasabay nito ay nanawagan si Banawis sa publiko na i-report ang mga ma-anomalyang recruiters na mananamantala sa ating mga kababayan para magawan nila ito ng aksyon.
Bunga nito ay pinayuhan na lamang ng POEA si Mary Joy na mas makakabuti kung umalis na lamang ito sa kanyang agency at huwag nang tumuloy sa Singapore kung mayroon itong pag-aalinlangan.
Pinayuhan rin ng palatuntunan si Mary Joy na pumunta mismo sa opisina ng POEA para mas matugunan ang kanyang hinaing.