PATAY ang tatlo katao matapos bayuhin ng malakas hangin at ulan ang North Korea dulot ng bagyong Kompasu.
Ayon sa National Emergency Management Agency, wala ng suplay ng kuryente sa mahigit sampung libong kabahayan sa seoul at kanselado na rin ang ilang biyahe.
Bukod rito, wala na rin klase sa mga pampubliko at pribadong kindergartens schools, habang na-delay naman ng dalawang oras ang simula ng klase sa mga elementary at middle schools.
Nabatid na ito na ang pinakamalakas na bagyong tumama sa nasabing bansa matapos ang labinlimang taon.