NIYANIG ng tatlong serye ng malakas na pagsabog ang Lahore City sa Pakistan habang isinasagawa ang isang prusisyon ng Shia Muslim sa lugar.
Ayon sa Pakistani Authorities, 25 katao ang nasawi habang nasaktan naman ang mahigit 100 na iba pa.
Tinatayang 35, 000 Shia Muslim ang nagmartsa para sa tradisyunal na seremonyang may kaugnayan sa buwan ng Ramadan.
Kinondena naman ni Pakistani Prime Minister Yousuf Raza Gilani ang pag-atake ng mga terorista kasunod ng pag-uutos na tugisin ang grupong responsable dito.