SINIMULAN na ng United States Authorities ang paglilikas sa libu-libong turista at residente sa North Carolina, U.S.A. bunsod ng pananalasa ni Hurricane Earl na kinilalang pinakamalakas na Atlantic storm ngayong taon.
Nangako naman si U.S. President Barrack Obama na gagawin niya ang lahat ng makakaya para ma-protektahan sa panganib ang mga komunidad partikular sa East Coast Region.
Ayon sa mga weather experts, mataas ang tsansa na maging cateory four ang nasabing sama ng panahon oras na mag-landfall ito sa araw ng Biyernes.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,170 kilometers ng south-southeast sa karagatan ng Cape Hatteras, North Carolina taglay ang hanging umaabot ng 205 kilometers per hour.