Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
RSS
You are here: Home NEWS World

World

Bus, nahulog sa ilog sa Vietnam, 34 patay

NAHULOG ang isang pampasaherong bus sa tulay at bumagsak sa Serepok River sa Vietnam.

Tinatayang aabot sa 34 pasahero ang nasawi habang 21 iba pa ang nasugatan kung saan 16 sa mga ito ang nasa kritikal na kondisyon.

Nabatid na mula sa lalawigan ng Dak Lak ang nasabing bus at patungo sana ng Ho Chi Minh City.

Sa ngayon ay hindi pa mabatid ang dahilan ng aksidente habang inaalam king kabilang sa mga nasawi ay ang dalawang driver ng nasabing bus.

 

 

7 patay sa pag-atake ng suicide bomber sa Afghanistan

PITONG ang patay habang 12 iba pa ang sugatan sa pag-atake ng mga suicide bomber sa Farah, Afghanistan.

Kabilang sa mga nasawi ang anim na pulis at isang sibilyan.

Naganap ang pag-atake sa compound ng provincial governor ng Farah, na target na pasabugan ang opisina ng gobernador.

Subalit naharang ang mga ito ng mga pulis at napilitang silang pasabugin ang dala-dalang bomba malayo sa naturang opisina.

 

Chinese fishing boat, hinayjack

HINAY-JACK ang tatlong Chinese fishing boats sa Yellow Sea, sa pagitan ng China at North Korea.

Ayon sa ulat, dinala raw ito sa  Pyongyang sa North Korean waters kasama ang 29 na mga mangingisdang tripulante ng Chinese boats.

Nabatid na armado at naka-uniporme pa ang mga tripulante ng North Korean boats.

Humihirit din ang mga suspek ng 1.2 million yuan na bayad na kanilang itinuturing na ransom.

Sa ngayon hindi pa malinaw kung ang pag-hijack sa mga Chinese fishing boats ay utos ng Pyongyang government.

Dalawang tren sa Brazil, nagbanggaan

SUGATAN ang 40 pasahero sa banggaan ng dalawang tren sa Sao Paulo City, Brazil.

Naganap ang salpukan sa istasyon ng Vila Carrao at Penha na parehong nasa Line 3 ng Underground Transportation Network ng nasabing bansa.

Dalawa sa mga sugatan ang nasa malubhang kondisyon matapos makaranas ng trauma at pagkaubos ng dugo dahil sa mga tinamong malalalim na sugat.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa naturang insidente.

 

Kalayaan ng bansang East Timor mula sa Indonesia, ipinagdiriwang

IPINAGDIRIWANG ngayon ang bansang East Timor ang ika-sampung taong kalayaan ng kanilang bansa mula sa Indonesia.

Inihayag din ng presidente ng East Timor na si Taur Matan Ruak na panahon na para magkaroon ng “generational change” sa kanilang bansa.

Dahil dito, tinatrabaho na rin ni Pangulong Ruak ang mga polisiyang magpapatibay sa kanyang bansa tungo sa kalayaan at kaunlaran.

Page 1 of 384

  • «
  •  Start 
  •  Prev 
  •  1 
  •  2 
  •  3 
  •  4 
  •  5 
  •  6 
  •  7 
  •  8 
  •  9 
  •  10 
  •  Next 
  •  End 
  • »

Did you know that your Internet Explorer 6 (IE6) is out of date?

This template is compatible with IE6, however your experience will be enhanced with a newer browser.

To get the best possible experience using our website we recommend that you upgrade to a newer version or other web browser. A list of the most popular web browsers can be found below