PINASUSUSPINDE ng kampo ni bagong WBO Junior Featherweight Champion Nonito Donaire Jr. ang boxing judge na nagbigay ng iskor pabor kay Wilfredo Vazquez Jr. sa laban nila noong Linggo.
Ayon kay Cameron Dunkin, manager ni Donaire, hindi maganda ang ginawa ni Judge Ruben Garcia kung saan binibigyan nito ng masamang imahe ang boxing.
Iginiit ni Dunkin na dapat turuan ng leksyon si Garcia at suspindihin ito ng WBO ng isa hanggang dalawang taon kasabay ng paglimita sa pagiging judge nito sa mga 8 rounder match.