Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS Sports Nonito Donaire Jr., tuloy ang training

Nonito Donaire Jr., tuloy ang training

SA kabila ng payo ng mga doktor na magpahinga muna matapos ang kanyang natamong injury noong Linggo, ipagpapatuloy umano ni Nonito Donaire Jr. ang kanyang training para sa susunod niyang laban.

Sinabi ni Donaire na tuloy-tuloy ang kanyang gagawing paghahanda upang matiyak na nasa kundisyon ang kanyang pangangatawan oras na okay na siya muling lumaban.

Gayunman, nilinaw ni Donaire na ang kanyang gagawing training ay nakasentro lamang sa pagtakbo.

Nabatid na kinakailangang magpahinga si Donaire ng dalawa hanggang tatlong buwan bago ito muling makalaban at magsimula ng heavy training.