Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS Sports FEU Tamaraws, puntiryang makuha ang play-off twice to beat advantage sa pakikipagharap sa NU Bulldogs mamaya

FEU Tamaraws, puntiryang makuha ang play-off twice to beat advantage sa pakikipagharap sa NU Bulldogs mamaya

PUPUNTIRYAHIN ngayon ng Far Eastern University Tamaraws ang play-off sa twice to beat advantage sa pagbabalik ngayon ng 73rd Season ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP) Men’s Basketball sa Araneta Coliseum.

Muling masusukat ang galing ng FEU Tamaraws sa pakikipagharap nito sa mabangis na National University (NU) Bulldogs mamayang 2:00 ng hapon.

Matatandaang naging dahilan ang NU Bulldogs na masamahan ng University of the East Red Warriors ang University of the Philippines Fighting Maroons na kapwa namahinga na sa paglalaro.

Samantala, maghaharap rin mamayang 4:00 ng hapon ang De La Salle Green Archers na puntiryang makapasok sa final four spot kontra sa University of Santo Tomas Growling Tigers.