ITATAMPOK ngayong araw ang 68 bowlers bilang bahagi ng dalawang World Bowling Cup (WBC) sa international slots na isasagawa sa Paeng’s Midtown Center.
Pasisimunuan ng mga national bowlers na sina Apple Posadas, Krizziah Tabora, Liza del Rosario at 34 iba pang babaeng aspirante kaakibat ang pag-asang postehan ang top eight slots ng torneo.
Sasabak naman ang 34 na lalaking bowlers para sa Men’s Division na pangungunahan naman nina Jeff Carabeo at 6-time World Champion Paeng Nepomuceno at Jeremy Posadas.
Samantala, kakatawan naman sa bansa ang dalawang magwawagi sa Men’s at Women’s Division para sa WBC finals sa ika-15 hanggang ika-24 ng Oktubre sa 44-lane Toulon, France.