Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS Sports Attendance ni Arum sa promo at media tour ng Pacquaio-Margarito Fight, kinansela matapos mabalitaang nawawala ang anak

Attendance ni Arum sa promo at media tour ng Pacquaio-Margarito Fight, kinansela matapos mabalitaang nawawala ang anak

KINANSELA na ni Top Rank Promoter Bob Arum ang kaniyang attendance sa promo at media tour para sa Manny Pacquiao Vs. Antonio Margarito Mega-Fight.

Ito'y matapos matanggap ang report na nawawala ang kaniyang anak na si John, sa isang hiking trip sa Seattle.

Batay sa report, noon pang linggo naiulat ang pagkawala ng 49-anyos na si Atty. John Arum, subalit hanggang ngayon ay hindi pa umano ito natatagpuan.

Ang batang Arum ay miyembro ng Washington Environmental Council at bilang isang abogado, "specialty" nito ang tungkol sa Environmental Law.

Sa harap nito, tuloy pa rin ang New York at Texas Press Conferences nina Pacquiao at Margarito para i-promote ang kanilang nalalapit na laban sa Nobyembre kung saan tatangkain ng Filipino Ring Icon at Sarangani Rep. na si Manny Pacquiao na makuha ang kaniyang pang-walong world title sa pang-walong weight division.