Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
RSS
You are here: Home NEWS Sports

Sports

Mark “The Spark” Caguioa, makakapaglaro na ulit

GOOD news para sa mga Barangay Ginebra fans.

Pinayagan na makapaglaro sa PBA Governors Cup si Mark “The Spark” Caguioa.

Ayon kay Team Executive Robert Non, sumasali na ngayon sa team practices si Caguioa at gumaganda na ang pakiramdam nito.

Sinang-ayunan naman ni Coach Siot Tanguincen ang pahayag ni Non at iginiit nito na nakikita na niya ang improvement sa galaw nito  kahit na hindi pa magaling ang injury ng PBA star.

Sa paglalaro nito sa Governor's Cup, sinabi ni Tanguincen na magsusuot ng goggles si Caguioa para protektahan ang kanyang mata.

 

Pacman, pinaalalahanan ni Sulaiman

MULING pinaalalahanan ni World Boxing Council President Jose Sulaiman si WBO Welterweight Champion Manny Pacquiao na manatiling naka-pokus sa paghahanda sa laban nito kay Timothy Bradley.

Ayon kay Sulaiman, delikadong masilat si Pacman kay Bradley dahil napapansin niya na ang dami nitong committment kaya nawawala ito ang konsentrasyon sa boxing.

Sinabi pa ni Sulaiman na hindi dapat maliitin ni Pacman si Bradley dahil magaling ito at kaya nitong tapatan ang bilis ng kamao ni Pacman.

Pagtatayo ng Women's Football League sa bansa, suportado

SUPORTADO ng International Football Federation ang plano ng Philppine Football Federation na magtayo ng isang Women's Football League sa bansa.

Sa ipinadalang liham ng FIFA, ikinatuwa nito ang nasabing plano kung saan nangako ito na tutulungan nila ang PFF sa pagtatayo ng nasabing liga sa tulong ng FIFA's Women's Football Consultants.

Sinabihan din ng FIFA ang PFF na bigyan sila ng karagdagang impormasyon hinggil sa nasabing plano para mabigyan nila ito ng tulong sa mga kagamitan.

 

 

Competition Committee, binuo ng NBA

BUMUO ang NBA ng isang komite na magrerekomenda ng mga bagong rules para sa susunod na NBA season.

Ang nasabing komite ay tatawagin na Competition Committee kung saan bubuuin ito ng tatlong head coaches na sina Doc Rivers, Rick Carlisle at Lionel Hollins, dalawang team owners na sina Dan Gilbert ng Cleveland at Joe Lacob ng Golden State, apat na general managers na sina Bryan Colangelo ng Toronto, Sam Presti ng Oklahoma City, Mitch Kupchak ng L.A. Lakers at Kevin o Connor ng Utah at sasama din sa grupo ang  isang kinatawan mula sa NBA Players Association na hanggang ngayon ay hindi pa kinikilala.

Magkikita kita ang mga miyembro ng nasabing komite sa susunod na buwan kung saan magrerekomenda ito ng mga bagong rules at ang mga nasabing rekomendasyon ay kailangan aprubahan ng mga team owners bago ito pormal na maipatupad.

 

 

 

Usain Bolt, focus sa Olympic Games

SA kagustuhan na muling manalo ng gintong medalya sa Olympic Games, hiniwalayan ni Usain Bolt ang kanyang fashion designer na girlfriend.

Ayon sa ulat, nais muna ni Bolt na mag-concentrate sa kanyang paghahanda sa Olympics at hindi niya ito magagawa kapag kapiling ang kasintahan nito na si  Lubica Slovak.

Iginiit pa umano ng mga taong malapit kay Bolt na naniniwala ito na makakapaghintay ang pag-ibig para sa kanya kaya dapat bigyang atensyon muna ang kanyang track and field career.

Page 1 of 296

  • «
  •  Start 
  •  Prev 
  •  1 
  •  2 
  •  3 
  •  4 
  •  5 
  •  6 
  •  7 
  •  8 
  •  9 
  •  10 
  •  Next 
  •  End 
  • »