KINAGIGILIWAN sa South Devon, England ang mga bagong panganak na itim na baboy.
Panu kasi ipinanganak silang maliit kumpaya sa ordinaryong sukat ng isang biik.
Umaabot lamang sa anim na pulgada ang haba ng bawat isang baboy at may timbang na hindi bababa sa 1-pound.
Ayon kay Chris Murray, may ari ng mga cute na mga piglets, bibihira lang ang miniature pigs na’to lalo pa’t umaabot lamang ng hanggang labing apat na pulgada ang taas ng mga ito kapag lumaki.
Ang mga cute na piglets ay resulta lamang ng micro breeding ng Pennywell farm ni Murray.