30 mangingisdang nakulong sa Indonesia, nakauwi na ng General Santos.
Ayon kay Gensan City Councilor Ronnel Rivera, nakumpleto na ng mga naturang mangingisda ang kanilang sintensya kaugnay sa kasong iligal na pangingisda.
Naiproseso na rin kasi aniya ang kanilang mga dokumento sa tulong ng Indonesian consul general.
Samantala, may mahigit 1,000 pang mangingisda ang nakakulong sa indonesia kung saan ang ilan sa mga ito ay nakatakda ng umuwi sa susunod na buwan dahil nakumpleto na ang kanilang mga papeles.