KINUMPIRMA ni Lt. Col. Noel Bravo Commnading Officer ng 27th Infantry Batallion Philippine Army na may nakita sila o namonitor na presensya ng Front 72 ng New People’s Army sa boundary ng Columbio, Sultan Kudarat kung saan nananatiling nakaalerto ang pwersa ng gobyerno.
Inihayag pa ni Lt. Col. Bravo na nananatili namang mapayapa at normal ang sitwasyon ng pangkalahatang sakop ng 27th IB Philippine Army na ang area ng South Cotabato at Columbio, Sultan Kudarat.