ARESTADO ng Surala PNP ang tatlong nagpakilalang miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos na na-recover sa kanilang posisyon ang illegal na baril.
Lumabas sa imbestigasyon ng mga autoridad na dimumano’y ang tatlo na nagpakilala miyembro ng CIDG na kinilalang sina Ronnil Degayo, 35, residente ng Buayan General Santos City, Ronald Baldonado, 29, residente ng Brgy. West GSC at Jimmy Kamal Kuyan, 42, residente ng Tubi Ala Bayan ng Surala at gustong imbitahan ang isang may kasong rape na dalhin sa CIDG General Santos City.
Pero duda ang pamilya kaya’t humingi sila ng tulong sa mga kapulisan at rumesponde naman ang mga ito at ng kinumpirma ng mga autoridad ang tatlo at hinanapan ng ID ang mga ito wala silang ipinakita at ang bitbit na isang armas ng isa sa tatlo ay hinanapan din ng dokumento pero wala itong maipakita.
Kaya’t nagpasya na lang ang mga autoridad na dalhin ang tatlo sa police station at ikinulong.
Sa ngayon hinahanda na ng mga autoridad ang kasong isasampa laban sa tatlo.
Kaugnay nito kinumpirma naman ni Police Senior Inspector Danilo Peralta, Chief ng CIDG South Cotabato na inamin nito na kilala nila ang tatlo pero inihayag niya na hindi miyembro ng ahensya ang tatlo kundi mga civilian informant.