(RMN-Dipolog) ISA na namang karangalan ngayon ng alkalde ng lungsod ng Dipolog matapos ito’y tumanggap ng award mula sa Western Mindanao Command (WESTMINCOM).
Si Mayor Evelyn Uy ng Dipolog City ay nag-iisang public official na tumanggap ng parangal kamakailan lang kasabay ng anibersaryo ng WESTMINCOM na ginawa sa headquarters nito sa Camp Don Basilio Navarro Upper Calarian, Zamboanga City.
Ang parangal ay ibinigay mismo ni Lt. Gen. Benjamin Dolorfino, Commander ng WESTMINCOM.
Ang nasabing award ibinigay, dahil sa todong suporta ni Mayor Uy sa mga programa ng 101st Infantry Brigade na nakatulong ng malaki para sa peace and order sa lugar.