Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS Regional Puerto Princesa City, wala palang Mining Moratorium Ordinace ayon sa City Legal Office

Puerto Princesa City, wala palang Mining Moratorium Ordinace ayon sa City Legal Office

(RMN-Palawan) IMINUNGKAHI ni City Councillor Atty. Rocky Austria sa kanyang mga kasamahan na dapat ay magkaroon sila ng pagpupulong ni Mayor Edward Hagedorn upang mabuo na ang ordinansa sa mining moratorium sa Puerto Princesa.

Ipinagtataka kasi ng mga konsehales kung bakit tambak-tambak pa rin ang aplikasyon ng mina sa lungsod kasama na ang mga quarry application.

Samantala, matagal na umano sinasabi ng alkalde na hangga’t siya ang mayor ay walang makakapasok na minahan sa lungsod.

Subalit, ikinagulat nila ang sagot ni Atty. Shirley Daganta, acting City Legal Officer na wala pa lang existing mining moratorium ordinance sa Puerto Princesa.

Kaya ngayon hihilingin nilang maidulog ito sa komite na hawak ni City Vice Mayor Lucilo Bayron at nais rin umano nilang makipagpulong sa alkalde ng lungsod.