Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS Regional Rep. Ruben Ecleo Jr., itinangging pinatay ang asawa

Rep. Ruben Ecleo Jr., itinangging pinatay ang asawa

(RMN-Cebu) UMUPO na sa witness stand ang cult leader at kongresista ng Dinagat Island sa Surigao, Ruben Ecleo Jr. sa kasong parricide na kinakaharap nito kaugnay ng pagpatay sa kaniyang asawa walong taon na ang nakakaraan.

Sa loob ng dalawang oras na pagtatanong mariing pinabulaanan ni Ecleo ang paratang na siya ang pumatay sa kaniyang asawa na si Alona.

Ayun kay Ecleo, hindi totoong nagkagulo sa kanilang bahay noong January 5, 2002 bandang 9:00 ng gabi ayon sa testimoniya ng kapatid ng biktima.

Sinabi ni Ecleo na nagpaalam sa kaniya si Alona ng gabing iyon na may outing kasama ng kaniyang mga kapatid.

Ilang araw matapos maiulat na nawawala si Alona ay natagpuan na lang ang isang bangkay na pinaniniwalaang sa kaniya sa bayan ng Dalaguete sa Cebu.