NASAWI ang deputy chief of police ng Catarman Police Station at pitong iba pa matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng new people’s army sa Brgy. Imelda, Catarman, Northern Samar.
Bandang alas-singko y medya ng medaling araw nang isagawa ang pag-ambush nang tinatayang apatnapung rebelde habang lulan ng hi-lux patrol car ang mga biktima na kinabibilangan ni Police Senior Insp. Nicasio San Antonio.
Nabatid na re-responde sa nasabing barangay ang mga otoridad kasunod ng ulat ng shooting incident.
Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang ibang mga biktima. Patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga otoridad sa pangyayari habang naglunsad na ng hot pursuit operations laban sa mga tumakas na rebelde.