Radyo Mo Nationwide! News Website

RMN Regional News

Eidl Adha, ipinagdiriwang sa buong mundo

AM_LOGO_COTABATOIpinagdiriwang ngayon sa buong mundo ng mananampalatayang Muslim ang Eidl Adha o day of sacrifice kung saan ngayong umaga ay magkakaroon ng congressional prayer ang mga Muslim sa ibat ibang lugar.

Ito ang panahon ng isakripisyo ni Prophet Ibrahim ang kanyang anak na si Ismael ng i-utos sa kanya sa pamamagitan ng kanyang panaginip na katayin ang kanyang anak subalit ito ay pinalitan ng tupa.

Kaya sa araw na ito ay kakatay ng kambing o baka ang mga Muslim para ipamigay sa kanilang kapitbahay o sa mga kakilala.

Isang bata patay, isa pa ang missing sa bagyong Ofel sa region 12

DALAWANG bata na ang naitala ng Office of Civil Defense region 12 na nabiktima dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ayon kay Edward Daligdig, Operation and Training assistant sa Office of Civil Defence na patuloy pang pinaghahanap ngayon ang isang batang si Mohammad Canape Giamad, 11-anyos, residenti ng Tamuntacan, lungsod ng Cotabato matapos itong matangay ng tubig dahil sa kanyang paliligo sa Esteros Bridge.

Habang patay naman ang isang Shela Mae Baricuatro Resiba, 4-anyos, residente ng Sitio Cagang, Barangay Tapon, bayan ng Glan, lalawigan ng Sarangani ng itoy madaganan ng kahoy matapos na gumuho ang kanilang bahay dahil sa malapas na pag-ulan.

Ang biktima ay isinugod pa ng kanyang mga magulang at barangay official sa ospital subalit idineklara na itong patay dahil sa bigat ng nakadagan sa kanya.

Sa ngayon puspusan na ang pagbabantay ng Office Of Civil Defence Region 12 sa mga lugar na binabaha gaya ng General Santos at handa na rin nila ang mga rubber boat nga kakailanganin kung sakaling magpapatuloy ang pagbuhos ng ulan.

Mga evacuees sa ilang barangay sa GenSan, bumalik na sa kanilang mga bahay

AM_LOGO_GEN_SANMGA residenteng apektado sa pagbaha sa limang barangay sa General Santos ang bumalik na sa kanilang mga tahanan matapos na pasukin ng baha ang kanilang mga bahay.

Sa report ng City Disaster Rick Reduction and Management Council (CDRRMC) umabot sa 130 na pamilya ang apektado sa nasabing pagbaha na mula sa barangay Lagao, Bula, San Isidro, Baluan at barangay Buayan.

Kahapon lang nagdeklara na ng State of Calamity ang barangay Lagao dahil umabot sa walong mga Purok ang binaha at marami sa mga residente ang nananatili mula sa barangay hall upang magpalipas ng gabi subalit umuwi rin sila pagdating ng hapon dahil naging maayos na ang panahon.

Habang sa barangay Baluan naman unang nagsilikas ang mga residente na mga lugar na pinasok ng tubig baha subalit umuwi rin sila sa kanilang mga bahay upang makapaglinis naman at humihingi naman sila ng tulong sa mga opisyal ng lungsod na resolbahin na ang kanilang kalagayan.

2 Patay sa bagyong Ofel sa Cebu

AM_LOGO_CEBUDalawa ang iniulat na namatay sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Ofel sa Cebu .

Isang trisikad driver ang  namatay matapos matabunan ng landslide sa barangay Jaclupan sa lungsod ng Talisay .

Kinilala ang biktima na si Ruben Tabura , 66 taong gulang  .

Si Tabura ay tinamaan ng mga bato at putik habang naliligo ito sa  sitio Riverside barangay Jaclupan nang gumuho ang lupa dahil sa malakas na ulan.

Patay din ang isang 18 anyos na lalaki sa barangay Tapon Dumanhug nang hampasin ng malalaking alon at nalunod habang naliligo at nangingisda kasama ang kaniyang apat na mga kaibigan .

Natagpuan ang bangkay ni Redgel Sacan sa kalapit na barangay dalawang araw matapos itong nawala .

Daan-daang pasahero, na-stranded dahil sa Bagyong Ofel

AM_LOGO_BACOLODDAHIL sa bagyong si Ofel, ilang daang pasahero ng mga fastcraft at Roll-On Roll-Off vessels na may byaheng Bacolod–Iloilo at vice versa ang na-stranded sa ilang ferry terminal.

 

Ito ay matapos na hindi na pinayagang ng Philippine Coast Guard sa Bacolod City na maglayag ang mga sakayan dagat dahil nasa signal number 1 ang Negros at Iloilo simula pa kahapon.

 

Sa interview ng DYHB, sinabi ng ilang pasahero na nagpalipas na lamang sila ng magdamag sa pier at maghihintay hangga’t mapayagan ng Coast Guard ang pag-resume ng byahe.

 

Reklamo naman ng ilang pasahero na hindi sila gang nabigyan ng atensyon at kahit kaunting tulong mula sa management ng RORO vessel matapos na-stranded.

 

Samantala, naghahanda na sa ngayon ang City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Bacolod para sa posibleng epekto na dala ni Bagyong Ofel.

 

 

Page 2 of 1665



Warning: session_write_close() [function.session-write-close]: write failed: Disk quota exceeded (122) in /home/rmnnews/public_html/beta/libraries/joomla/session/session.php on line 556

Warning: session_write_close() [function.session-write-close]: Failed to write session data (files). Please verify that the current setting of session.save_path is correct (/tmp) in /home/rmnnews/public_html/beta/libraries/joomla/session/session.php on line 556