Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
RSS
You are here: Home NEWS Regional

RMN Regional News

Lalaki, patay sa pamamaril sa Palawan

AM_LOGO_PALAWAN_3DEAD on the spot ang isang lalaki, matapos pagbabarilin ng apat na beses sa Brgy.Rio tuba, Bataraza, Palawan.

Kinilala ang biktima sa pangalang Jasol Olal, 45 anyos, residente ng bayan ng Sopronio Espaniola, Palawan.

Sa interview ng DWAR RMN-Palawan kay SPO1 Florantin Baldemosa Jr. ng Bataraza PNP, nakaupo lamang sa isang tindahan ang biktima ng pagbabarilin ng mga suspek, isang tama ng 45 pistol na baril sa ulo at tatlo sa iba’t ibang parte ng katawan ang tinamo ng biktima.

Nakilala naman ng asawa ni Olal ang bumaril sa kanyang mister.

Umiikot na ang imbestigasyon ng PNP sa matagal ng alitan ng mga suspek at biktima.

Patuloy namang tinutugis ng otoridad ang mga tumakas na salarin.

 

Kaso ng pagpapakamatay sa General Santos, sunod-sunod

AM_LOGO_GEN_SANISA na namang magsasaka ang binawian ng buhay matapos itong magbigti sa puno ng bayabas sa kanilang bahay alas-11:00 ng gabi sa General Santos City.

Ang biktima ay nakilalang si Ricky Pelon, 40-anyos, may asawa at residente ng Barangay San Jose na nakitang wala ng buhay na nakatali ang leeg sa puno ng bayabas sa labas ng kanilang bahay.

Ayon sa asawang si Jenny Anne, na nag-away sila ng kanyang mister matapos na hindi siya nakauwi sa kanilang bahay kahit walang trabaho na ikinagalit ng biktima kaya nagawa nito ang pagpapakamatay.

Hindi naman makapaniwala ang asawa nito dahil hindi umano magawa ng kanyang mister ang pagpapakamatay kahit gaano pa kabigat ang kanilang problemang dinadala.

Nais ngayon ng pamilyang Pelon na paimbestigahan kung wala bang foul play na nangyari sa pagpapakamatay ng biktima.

Napag-alaman na ito na ang pang-limang kaso ng pagpapakamatay sa siyudad kung saan tatlo nito ang binawian ng buhay sa loob lang ng isang linggo.

 

 

Terminal Fee sa Cagayan de Oro Airport, tataasan

AM_LOGO_CDOHINIHINTAY na lang ngayon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Cagayan de Oro Airport ang approval ng national office kung aaprubahan ba nito ang panukalang tataasan ang terminal fee na mula sa P30 ay magiging P150 na.

Itoy matapos sa isinagawang public hearing at consultation sa nasabing hakbang.

Sinabi ni Lino Luisma, Supervising Air Navigation System Specialist sa CAAP na sila’y otorisadong mag-generate ng income at ito ang isa sa kanilang mga hakbang.

Layunin umano ng pagtaas ng terminal fee ang pagpapabuti ng mga pasilidad sa airport na matagal na umanong nangangailangan ng improvement.

Ayon naman sa mga residente, walang problema sa kanila ang pagtaas ng terminal fee dahil para din umano ito sa ikakabuti ng mga pasahero ngunit masyado umanong mataas ang increase.

Dagdag pa ni Luisma, hindi rin umano mainam kung idadagdag ang terminal fee sa pagkuha ng airline ticket dahil sa may proseso pang dadaanan bago makuha ang revenue at saan umano nila aniya kukunin ang pondo para sa kanilang agarang pangangailangan sa airport.

Dalawang barangay sa Pinamungahan, Cebu, inulan ng yelo

AM_LOGO_CEBUMAHIGIT 80 mga bahay ang nasira at nabuwal ang ilang puno matapos tinamaan ng malakas na hangin at umulan ng yelo o hailstorm sa dalawang barangay sa bayan ng Pinamungahan sa Cebu.

Isang residente ang dinala sa ospital matapos itong tamaan nang nabuwal na puno.

Naganap ang hindi pangkaraniwang pag-ulan ng yelo sa Barangay Lamac at Punod sa Pinamungahan.

Kaugnay nito inihayag ni Mayor Geraldine Yapha na handa itong magdiklara ng state of calamity sa dalawang barangay para mabigyan ng agarang tulong ang apektadong mga residente.

 

 

Mga carnappers, hindi tumitigil sa iisang lugar

AM_LOGO_COTABATOHINDI tumitigil sa iisang lugar lamang ang mga  carnappers o magnanakaw ng mga sasakyan.

Batay ito sa pahayag ni City PNP Deputy Director Supt. Marlou Martinez.

Kapag  sila’y mainit sa isang lugar ay naghahanap sila ng malilipatang lugar.

Nagkaroon ng serye ng nakawan ng motorsiklo  ngayong linggo lamang at dahil dito ay nababahala ang mga residente ng lungsod.

Sinabi ni Supt. Martinez na pinapaigting nila ngayon ang Operation Sikpaw bilang hakbang sa paglutas sa kaso ng mga nakawan ng sasakyan sa lungsod.

 

 

Page 1 of 1430

  • «
  •  Start 
  •  Prev 
  •  1 
  •  2 
  •  3 
  •  4 
  •  5 
  •  6 
  •  7 
  •  8 
  •  9 
  •  10 
  •  Next 
  •  End 
  • »