Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National 2011 budget ng Pilipinas, masusing babantayan ng palasyo

2011 budget ng Pilipinas, masusing babantayan ng palasyo

NILINAW ng Malacañang ang mga mekanismo kung paano mababantayan ang paggastos sa pondo ng bayan ito ay matapos na ipasa ng kamara ang P1.645 trilyong 2011 national budget.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na may nakalatag nang mekanismo ang Department of Budget and Management (DBM) kung paano babantayan ang maayos na paggasta sa 2011 budget partikular sa hanay ng mga ahensya ng gobyerno upang matiyak na anumang ilalabas na pondo ay mapupunta sa tamang alokasyon nito.

Inamin naman ng Malacañang na ikinatutuwa nila na bukod sa naipasa ng kamara ang 2011 budget ay naging intact pa ang P21 bilyong pondo para sa kontrobersyal na Conditional Cash Transfer (CCT) na naunang kinuwestyon at gustong harangin ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Wala mang direktang komento pero iginagalang ng Malacañang ang ulat na bahagi ng ipinasang pondo ay ang P35 milyong pork barrel fund sa bawat isang kongresista basta’t mapupunta pa rin ito sa mga proyekto para sa bayan.