SINUNOG ng dating pulis at mayor ng Laguna na si Abner Afuang ang bandila ng Tsina at Estados Unidos sa harap ng the world center sa Makati City kung saan matatagpuan ang konsulado ng Tsina.
Ginawa ito Afuang sa paniniwalang pagmamay-ari ng Pilipinas ang Panatag Shoal o Scarborough Shoal.
Nakikita din ni Afuang na isang kawalang-galang ang ginawa ng Estados Unidos nang pahintulatan na i-cover ang kamakailang Philippines-U.S. Balikatan Military Exercises.
Matatandaan na noong 1995, sinunog din ni Afuang ang bandila ng Singapore para suportahan ang kaso ni Flor Contemplacion.