WIKANG Filipino na ang ginamit nina Northern Samar Rep. Raul Daza ng prosekusyon at Senate President Juan Ponce Enrile sa isinasagawang Impeachment Trial laban kay Chief Justice Renato Corona.
Ito’y matapos sikaping magsalita ni Justice Secretary Leila de Lima sa pagpresenta ng dokumentong iniharap sa Impeachment Court.
Nais kasi ni de Lima na maunawaan ng mas nakakarami ang detalye ng dahilan ng paglalabas nila ng watchlist order (WLO) laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo, na sa kalaunan ay hinarang ng Korte Suprema sa pamamagitan ng TRO.