PINANGUNAHAN ni Senator-Judge Manny Villar ang panalangin sa ika-22 araw ng Impeachment Trial laban kay Chief Justice Renato Corona.
Maagang nagsermon si Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago laban sa mga kritiko ng Impeachment Court.
Tinutukan ni Santiago ang kaniyang suporta sa ruling ng Senate Impeachment Court kung saan sinabi niyang huwag kilalanin ang mga alegasyon at testimonyang walang direktang basehan sa walong artikulo ng reklamo.