Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Negros Oriental, nanawagan na ng tulong

Negros Oriental, nanawagan na ng tulong

LOKAL na pamahalaan ng Negros Oriental, umapela ng karagdagang tulong.

Sa press briefing sa Dumaguete City Airport, umapela si Negros Oriental Gov. Roel Degamo kay Pangulong Benigno Aquino ng karagdagang tulong.

Ayom kay Degamo, nagpapasalamat ito sa pangulong Aquino dahil piniling nitong sa kanilang lugar magdiriwang ng ika-52 kaarawan ngunit mas masaya sana kung hindi nangyari ang nasabing trahendya.

Kasabay nito, siniguro naman ni DSWD Sec. Dinky Soliman ang tulong ng National Government sa mga naapektuhan ng lindol.

Sa datos ng DSWD, umabot na ngayon sa 10,186 na pamilya ang apektado ng magnitude 6.9 na lindol.