Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National PN, hihiram ng barko pang-relief operations

PN, hihiram ng barko pang-relief operations

PHILIPPINE Navy, hihiram ng barko pang-relief operations sa mga lugar na nasalanta ng lindol.

Kinumpirma ni PN Spokesman Col. Omar Tonsay na sa Naval Forces Western Mindanao na nakabase sa Zamboanga sila hihiram ng barko.

Tanging ang BRP Subanon pa lamang ang naatasang maglayag papuntang Cebu para ihatid ang relief goods.

Kung sakali naman, dahil kulang aniya ang isang barko para sa mga kailangan ng tulong ay pansamantala munang tatanggalin ang naval blockade para maisagawa ang nasabing operasyon.

Matatandaang may naval blockade na isinasagawa ngayon sa Tawi-Tawi at Sulu laban sa mga dumukot sa dalawang European kamakailan lamang.