Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National DoH, nagpaalala ngayong malamig na panahon

DoH, nagpaalala ngayong malamig na panahon

MAG-INGAT.

Ito ang ibinabala ng Department of Health sa publiko kaugnay sa mga karaniwang sakit na maaaring makuha ngayong malamig na panahon tulad ng trangkaso at pneumonia.

Ayon kay Officer in Charge ng DoH-National Center for Disease Prevention and Control Dr. Mario S. Baquilod, ugaliing maghugas ng kamay para maiwasan ang anumang virus lalo na kung may ubo o sipon.

Payo pa ni Baquilod, kapag may lagnat nang higit sa isa o dalawang araw ay magpakonsulta na agad sa doctor.