MOTION for Reconsideration na inihain ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, ibinasura ng Impeachment Court.
Yan ang naging desisyon sa naganap na caucus kaninang tanghali ng mga senador-judge kaya naman tuloy na ang pagsubpoena sa mga bank officials at mga bank documents.
Sa pagsisimula ng Day 14 ng Impeachment Trial, agad na nagbigay ng kanyang reaksyon si Senator-Judge TG Guingona sa petisyon na iniharap ng depensa sa Korte Suprema na naglalayong ipahinto ang impeachment proceedings.
Giit ni Guingona, hindi maaaring makialam ang SC sa trabaho ng Impeachment Court dahil isa itong independent at hindi maituturing na co-equal branch ng gobyerno.