NAGPASAKLOLO na ang Defense Panel sa Korte Suprema.
Ayon kasi kay Prosecution Panel Spokesman Rep. Sonny Angara, nakatanggap na ng notice ang kanilang kampo hinggil sa isinampang reklamo ng depensa sa Supreme Court.
“Nagagambala na po kami sapagkat may balita na meron na na-file sa Supreme Court si Chief Justice Corona at dahil parang nabigyan ng oras po dahil dapat po today mag-prepresinta na ng mga bank official sa mga bangko sapagkat dinifer po yung debate para sa focus kasi naka-receive na po ang aming panig ng copy namin.”
Pero sa kabila nito ay ayaw naman itong kumpirmahin ng depensa.
“Yan nga po ang mga katanungan na natatanggap ko ngayon. Ako’y papunta po at tatagpuin ko po ang ilan sa mga kasama ko pero alam ko po yung mode na yan. Yung eksaktong findings po ay tatapatin ko po kayo, hindi ko pa po alam so baka nai-file na nga po kaninang umaga po.”
Matatandaang plano nang depensa na magpasaklolo sa Korte Suprema hinggil sa tamang proseso ng Impeachment Trial.