Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Senado, hayaan lang—Senador Angara

Senado, hayaan lang—Senador Angara

AM_LOGO_MANILAHAYAAN ang senado.

Ito ang gustong mangyari ni Prosecution Panel Spokesman Rep. Sonny Angara hinggil sa nangyayaring pagkuwestyon sa proseso ng Impeachment Trial.

Naniniwala kasi si Angara, na ang senado bilang Impeachment Court ang dapat masunod sa kung anong proseso ang dapat mangyari sa kaso ni Chief Justice Renato Corona.

“Sana pabayaan na lang po natin yung proseso. Pabayaan na lang po natin yung mga senador na gumawa ng desisyon kung sila ay papayag doon sa motion for reconsideration ni Senador Miriam Santiago eh! Palagay ko dapat iwanan na natin sa kanila kasi klarong klaro naman ho sa ilalim ng saligang batas yung soul power to try and to decide cases of impeachment ang natatanging kapangyarihan para madinig at mag desisyon sa mga kasong impeachment na nasa senado po”.

Nilinaw din ni Angara na ang legal na doktrina na “Fruit From the Poison Tree” ay hindi pa nagagamit kahit kelan sa mga bank accounts.

Ang Legal Doctrine na Fruit of the Poison Tree ay ang proseso ng pagkuha ng ebidensya sa pamamagitan ng hindi legal na paraan.