Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Phivolcs, may solusyon na sa lindol??

Phivolcs, may solusyon na sa lindol??

phivolcsSINISIMULAN na ng Phivolcs ang pagtatayo ng tatlong bagong seismic station sa palibot ng Negros Oriental.

Ayon kay Phivolcs Science Specialist Engr. Rey Lumbang, naka-puwesto na ang kanilang mga tao para sa nasabing proyekto.

Dagdag pa niya, malo-locate nila ang faultline at malalaman na ang dahilan ng lindol.

Nilinaw naman ni Lumbang na hindi pa pwedeng ituring na lumang faultline ang gumagalaw ngayon sa Negros dahil pag-aaralan pa nila itong mabuti.

Matatandaan na base sa records ng Phivolcs ay merong isang faultline sa bahagi ng Negros ang gumalaw din noon pang 1925.