UMATAKE na naman ang akyat bahay gang sa Barangay Bahay Toro sa Quezon City.
Ayon sa isa sa mga biktima na si Eden Aquino, 63 anyos, umalis sila ng kanilang buong pamilya sa bahay noong umaga at laking gulat na lamang nila noong pagdating nila noong kinagabihan ay sira na ang kanilang main door.
Tinataya namang nasa 1 million pesos ang halaga ng mga ninakaw na gamit sa kanilang bahay.
Sa ngayon ay patuloy nang iniimbestigahan ng mga pulis ang naturang insidente habang inaalam na rin kung sino ang nasa likod ng pagnanakaw.