HINILING ng abogado ni Janelle Manahan sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin na ang pasaporte ni Maria Ramona Bautista para lumiit na ang tsansa nito na makapaglipat-lipat ng bansa.
Sa pagpunta ni Atty. Argee Guevarra at Resty Mendoza sa DFA bitbit ang petisyon na siyang humihiling na pagkansela sa passport ni Ramona umaasa silang mabibigyang katuparan ito sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Guevarra, ito ang siyang magiging paraan para mabawasan na ang pagkilos ni Ramona sa Turkey, na may tsansang maaresto sakaling magkamali ng galaw sa naturang bansa dahil maikokonsidera na siyang undocumented alien doon at mapapabalik ng Pilipinas.