HINILING ngayon ng kampo ni Ramona Bautista, kapatid at suspek sa pagpaslang kay Ramgen Revilla, na baligtarin ang naunang resolusyon ng Parañaque Prosecutors Office na nag-utos ng pagsasampa ng kasong murder laban sa kanya.
Iyan ay sa pamamagitan ng petition for review na inihain ng kampo ni Ramona sa pamamagitan ng kanyang abugado na si Atty. Jeffrey Gepte.
Ayon kay Gepte, umaasa sila na papanigan ng Department of Justice (DoJ) ang kanilang petisyon dahil hindi naman maituturing na credible o kapanipaniwala ang mga testimonya ng mga testigo na kinabibilangan nina Glaiza Visda, Norwin dela Cruz at Ruel Puzon.
Hindi raw kasi magkakatugma ang mga testimonya ng mga nasabing testigo.
Naninindigan umano ang kanyang kliyente na wala siyang kinalaman sa nasabing krimen.
Kinumpirma rin ni Gepte na nasa Turkey pa rin si Ramona at wala pa itong balak na umuwi sa Pilipinas.
Thursday, Feb 23rd
Last update:07:26:13 PM GMT
Headlines: