HALATA umanong minadali ang pagsasampa ng impeachment case laban kay Chief Justice Renato Corona bunsod ng kawalan ng kahandaan ng prosecution team sa paglilitis.
Naniniwala si Retired Archbishop Oscar Cruz na nais lamang ng mga kaalyado ng Administrasyong Aquino na mapatalsik sa pwesto si Corona pero tila hindi nila alintana ang prosesong ligal na pinagdaraanan sa impeachment.
Iginiit ni Cruz na kung dumaan lamang nang maayos ang impeachment sa Kamara de Representantes, hindi magiging mahirap para sa prosecution panel na suportahan ang kanilang reklamo laban kay Corona.
Pinuna din ni Cruz ang pagtutol ng prosekusyon sa pre-trial procedure kung saan ay naplantsa sana ang mga procedural problem na tinatalakay sa paglilitis.
Thursday, Feb 23rd
Last update:07:26:13 PM GMT
Headlines: