NAKAHANDA si Supreme Court Administrator at Spokesperson Midas Marquez na harapin ang isinampang reklamo laban sa kaniya sa Ombudsman.
Ayon kay Marquez na handa siyang magpasakop sa ombudsman sakaling magdesisyon itong paimbistigahan siya.
kasabay nito, sinabi ni Marquez na premature pang maituturing ang letter complaint ni AKBAYAN Rep Walden Bello laban sa kaniya.
Ito ay dahil sa kasalukuyan na aniyang pinaiimbistigahan ng Korte Suprema kung ano ang nangyari sa nasabing pondo na ibinigay ng World Bank para sa Judicial Reform Support Project.
Una ng hiniling ni Bello sa Ombudsman na paimbistigahan si Marquez dahil sa paglabag umano sa Anti Graft and Corrupt Practices Act kaugnay ng isyu ng iregularidad sa paggamit sa pondo na ibinigay ng World Bank para sa nasabing proyekto ng Korte Suprema.
Thursday, Feb 23rd
Last update:07:26:13 PM GMT
Headlines: