Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National DILG Sec. Robredo, nanganganib na hindi lumusot sa Commission on Appointments

DILG Sec. Robredo, nanganganib na hindi lumusot sa Commission on Appointments

POSIBLENG malagay sa balag ng alanganin ang paglusot ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa Commission on Appointments dahil sa naging performance nito sa Manila Hostage Crisis.

Ito ay makaraang magpahayag ng pagkadismaya si Senador Chiz Escudero, sa pagtanggi ni Robredo sa responsibilidad sa madugong kinahinatnan ng hostage taking incident sa Luneta Grandstand.

Partikular na pinuna ni Escudero ang pagdidiin ni Robredo sa kanyang Undersecretary na si Rico Puno na itinuro niyang may kontrol sa PNP.

Ang giit ni Escudero, sa halip na protektahan ng kalihim si Pangulong Noynoy Aquino ay mas inuuna pa nitong isalba ang sarili sa mga batikos.

Sinabi pa ni Escudero na alinsunod sa batas, ang kalihim ng dilg ang may administrative control at supervision sa pambansang kapulisan.