MARIING itinanggi ni Senate President Juan Ponce Enrile , na palasyo ang nagrenda na itigil ng mataas na kapulungan ang pagdinig ukol sa hostage crisis na naganap sa Luneta noong nakaraang lunes na ikinasawi ng walong HongKong Nationals.
Ayon kay Enrile, walang katotohanan ang nasagap na 2nd hand information ni Sen. Edgardo Angara na isang opisyal ng palasyo ang tumawag kay Enrile para suspendehin muna ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs.
Ang giit ni Enrile, hindi nagpapadikta ang senado sa anumang desisyon nito. Maging ang Chairman ng Committee na si Senator Gringo Honasan ay itinanggi din ang nasabing impormasyon.
Ang suspension ng hearing ay napagkasunduan aniya ng mga miyembro ng komite na isinangguni na umani naman ng suporta mula kay Enrile hanggang sa iba pang kasamahang mambabatas.