Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Isa pang salarin sa Maguindanao Massacre, na-aresto

Isa pang salarin sa Maguindanao Massacre, na-aresto

HAWAK na ngayon ng pulisya ang isa pang suspek sa Maguindanao Massacre.

Naaresto ang suspek na si PO1 Arnulfo Ayunan sa bayan ng Kiamba, Saranggani Province sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Si Ayunan ay ay may patong sa ulo na P250,000 na pabuya.

Sinasabing nag-absence without leave si Ayunan mula sa Police Provincial Mobile Group na nakabase sa Camp Datu Akilan sa Shariff Aguak, Maguindanao matapos ang trahedya.