DEAD on the spot ang operator ng grader – isang uri ng heavy equipment matapos mahulog sa bangin sa Brgy. San jacinto, Agoncillo, Batangas.
Nakilala ang biktima na si Fidel Maala y Dela Roca, empleyado ng munisipyo at residente ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, paahon ang sinasakyang heavy equipment nang mawalan ng kontrol at mahulog sa halos dalawang daang talampakang lalim na bangin.
Gumamit pa ng lubid ang mga awtoridad upang marekober ang bangkay ng biktima.