SISIMULAN na Setyembre bente singko ng Commission on Elections ang pagpatupad ng gun ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election na magtatapos sa November a-diyes.
Kasabay nito, sinabi ni Bids and Awards Committee Chairman Atty. Ferdinand Rafanan na pag-uusapan sa pagpupulong ng mga staff ang lahat ng mga ka-kailanganin para sa mano-manong halalan sa oktubre bente singko.
Nabatid na kabilang sa tatalakayin ang bidding sa supply ng balota, kung sino ang magde-deliver ng mga ito, papel na kailangan sa pag-imprinta ng balota at ibang materyal sa paghahanda na gagawin sa nalalapit na halalan.
Sisimulan naman sa susunod na linggo ang bidding para sa mga ito kung saan nasa 3.2-billion pesos ang pondong nakalaan para sa Barangay at SK election.