Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Popularity rating ni P-Noy, bababa pa rin kahit walang nangyaring Manila Hostage Drama

Popularity rating ni P-Noy, bababa pa rin kahit walang nangyaring Manila Hostage Drama

NANINIWALA si Prof. Ramon Casiple ng Institute for Political and Electoral Reforms na bababa rin ang popularity rating ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay Casiple, naniniwala siya na kahit hindi naganap ang madugong hostage drama noong Agosto 23 ay talagang mababawasan ang popularidad ni Pangulong Aquino.

Aniya, mas makabubuti para sa lahat na manahimik na lang muna at hintayin ang resulta ng imbestigasyon bago maghugas ang bawat isa ng kanilang mga kamay sa nangyaring hostage crisis sa Maynila.