Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National DFA, pinayuhan ang mga OFWs sa pagpapadala ng kanilang mga bagahe

DFA, pinayuhan ang mga OFWs sa pagpapadala ng kanilang mga bagahe

MULING umapela ang Department of Foreign Affairs sa mga Overseas Filipino Workers na maging vigilante kapag may nagpapadala sa kanila ng bagahe.

Ayon kay DFA Usec. Esteban Conejos, dapat na magduda ang mga Pilipino kapag inaalok sila ng malaking halaga ng pera kapalit ng pagbibitbit sa ipapadalang bagahe.

Aniya, maraming Pinoy ngayon ang nahaharap sa parusang bitay dahil sa drug trafficking.

Kabilang na rito aniya ang limang Pinoy na nakatakdang bitayin sa China dahil sa illegal drug cases.