UMAASA ang Moro Islamic Liberation Front na babalik sila sa negotiating table ng Government Peace Panel sa huling linggo ngayong buwan.
Ayon kay Mohaqher Iqbal, dating chairman ng MILF Peace Panel, naniniwala sila na muling uumpisahan ang peace talks pagkatapos ng Ramadan.
Ayon naman kay MILF Chief of Secretariat Mohammad Ammen, kumpleto na ang peace panel ng kanilang organisasyon at malalaman na rin kung sinu-sino ang mga ito pagkatapos ng "fasting month".
Pero sa kabila nito tumanggi ang dalawang opisyal na pangalanan ang mga bagong miyembro ng MILF Peace Panel.
Iginiit din ni Iqbal na ang Malaysia pa rin ang third party facilitator sa usaping pangkapayapaan.