Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Budget para sa pork barrel ng mga kongresista, hindi tinaasan ng Malacañang

Budget para sa pork barrel ng mga kongresista, hindi tinaasan ng Malacañang

NILINAW ng Malakanyang na hindi tinaasan ang budget para sa pork barrel ng mga kongresista.

Una nang nagpahayag ng pagkabahala ang Ibon Foundation na dinagdagan ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas at tinaasan din ang pondong inilaan sa social services ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, batay sa paglilinaw ng Department of Budget and Management, nananatili sa P70 million ang pork barrel ng mga kongresista habang P200 million naman sa mga senador.

Idinepensa rin ni Lacierda ang dinobleng pondo para sa social services lalo na ang conditional cash transfer.

Matatandaang batay sa 2011 proposed national budget, naglaan ang gobyerno ng P3.5 billion para sa karagdagang insurance ng may 4.6 milyong mahihirap; P29.2 billion para sa pantwaid pamilyang Pilipino porgram at P871 million para sa P500 monthly pension ng mga indigent senior citizens.