Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National 20% fare discount sa MRT at LRT para sa mga estudyante, hiniling ng isang alkalde

20% fare discount sa MRT at LRT para sa mga estudyante, hiniling ng isang alkalde

HINIHILING ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Railway Transit (LRT) ang pagbibigay ng diskuwento sa mga estudyante.

Ayon kay Q.C. Mayor Herbert Bautista, makakatulong ito ng malaki lalo na sa mga estudyanteng nakakaranas ng problemang pinansyal.

Ito rin aniya ang kadalasang dahilan kung bakit napupuwersa ang karamihan sa mga estudyante na huminto sa pag-aaral at sa halip ay nagtatrabaho na lamang ang mga ito.

Dahil dito, hiling ng alkalde na pagbigyan ang kanyang panukalang 20% discount sa MRT-LRT fare ng mga lehitimong mag-aaral mula Lunes hanggang Sabado.

Umaasa naman ang opisyal na kakatigan siya ng mga nabanggit na kumpanya na selyuhan ang kanyang magandang layunin.