Friday, May 18th

Last update:05:31:09 AM GMT

Headlines:
You are here: Home NEWS National Re-routing scheme ng mga PUVs sa Baclaran, nais munang ipahinto ng MMDA

Re-routing scheme ng mga PUVs sa Baclaran, nais munang ipahinto ng MMDA

IMINUMUNGKAHI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pansamantalang pagpapahinto sa re-routing scheme ng mga Public Utility Vehicle (PUV) sa Baclaran, Paranaque City.

Ang hakbang ay naglalayong mabigyan ng sapat na oras ang mga opisyal ng MMDA at lokal na pamahalaan ng lungsod sa pagsasagawa ng mas magandang rutang pagdadaanan ng mga ito.

Nilinaw naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino na magsasagawa muna sila ng konsultasyon tungkol dito para hindi naman matamaan aniya ang kita ng mga jeep at bus sa lugar.

Ipinatupad na sana ito noong nakaraang Lunes ngunit sasailalim pa aniya ito sa malalimang pag-aaral sa kadahilanang hindi pa naaabisuhan ang karamihan sa mga stakeholders.